Mga Laro sa Sabado

(Filoil Flying V Centre)

9 n.u. -- NU vs AdU

11 n.u. -- FEU vs Ateneo

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

1 n.h. -- UST vs DLSZ

3 n.h. -- UPIS vs UE

Sa ikatlong sunod na taon, awtomatikong umusad sa championship match ang National University makaraang pulbusin ang University of the Philippines, 84-55, Martes ng gabi sa UAAP Season 79 women’s basketball sa Smart-Araneta Coliseum.

Dahil sa nasabing panalo, nakumpleto ng Lady Bulldogs ang ikatlong sunod na 14-0 elimination round sweep.

Nagtapos si reigning MVP Afril Bernardino na may double-double 21 puntos at 12 rebounds bukod pa sa 7 assists habang nagdagdag naman sina Je-anne Canelo at Florymae Ceno ng 14 at 12 puntos ayon sa pagkakasunod.

Naitala ng Lady Bulldogs ang kasaysayan sa women’s collegiate league sa naitalang 46-game winning streak na nagsimula pa noong 2014 season.

Sa iba pang laban, nakahugot ang De La Salle ng 22 puntos mula kay Khate Castillo na sinundan ng 17 puntos at 16 rebounds ni Snow Peñaranda para gapiin ang karibal na Ateneo, 71-60, at makamit ang twice-to-beat bonus sa step-ladder semifinal tangan ang 11-3 karta.

Nagsalansan si Love Sto. Domingo ng 25 puntos, walong rebound, tatlong assist at dalawang steal, para igupo ng University of the East ang University of Santo Tomas, 64-58, at kunin ang No. 3 seed sa playoff.

Umakyat ang Lady Warriors sa markang 10-4 habang nagsalo ang Tigresses at Lady Falcons sa ika-4 na puwesto sa parehong 6-8 marka. (Marivic Awitan)