UNITED NATIONS (AP) – Inaprubahan ng isang U.N. committee noong Martes ang resolusyon na kumokondena sa “temporary occupation’’ ng Russia sa Crimea at muling pinagtibay ang pangako ng United Nations sa soberanya ng Ukraine sa Black Sea peninsula.
Hinimok ng Russia ang General Assembly’s human rights committee na bumoto laban sa resolution, ngunit inaprubahan ito sa boto na 73-23 na mayroong 76 abstentions. Tiyak na itong pagtibayin ng 193-member assembly sa susunod na buwan.
Kinokondena ng draft resolution ang mga pang-aabuso at diskriminasyon “against the residents of the temporarily occupied Crimea, including the Crimean Tatars.’’ Ang Crimean Tatars ay Turkic ethnic group na bumo sa Crimean Peninsula noong 13th-17th centuries.