May bagong gimik ang Philippine Basketball Association (PBA) para sa mga tagahanga na madalas naka on-line.

Inilunsad ng premyadong pro league sa bansa ang PBA App para sa pagbubukas ng ika-42 season.

“It’s a direct way to be in touch with the players,” pahayag ni Fred Fateh ng Appefize Pte Ltd., lumikha ng nasabing application.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hangad ng pamunuan ng liga na mabigyan nang pagkakataon ang mga fans na maka-interact on-line at masubaybayan ang kanilang mga idolo kahit kulang sa panahon na makapanood ng live o sa television.

“We tried to create a destination app where people will wake up in the morning and launch the app to get the news, the results, the schedule and events. Fans don’t have to leave the PBA app in order to follow the league’s Facebook, Instagram, and Twitter,” paliwanag no Fateh.

“This is just the first step. It will have more exciting features in the future.”

Ang PBA App ay isa sa mga bagong gimik ng liga sa pangangasiwa ng bagong halal na PBA chairman Mikee Romero.

“Kailangan yung tentacles natin as PBA, habaan natin. Hatakin natin yung mga fans and I think the platform for that is the PBA App,” ayon kay Romero.

“We have to make it bigger, so this is just a good start. It has to be very interactive before or after the game,” aniya. (Marivic Awitan)