Pinaplano na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaloob ng presidential pardon o executive clemency sa mga bilanggong nasa edad 80 pataas.

Ginawa ni Duterte ang pahayag matapos ang paggawad ng absolute pardon kay Robin Padilla na hinatulan noon sa kasong illegal possession of firearms.

Sinabi ni Duterte na kasama rin sa plano niyang bigyan ng presidential pardon ang mga presong lumagpas na ng 40 taon ang pagkakakulong, gayundin ang mga may matinding karamdaman.

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

Inihahanda na umano ng Department of Justice (DoJ) ang listahan ng mga gagawaran ng pardon. (Beth Camia)