UNITED NATIONS (AP) — Inakusahan ng 11 bansa sa Middle East at North Africa ang Iran ng pagtataguyod sa terorismo at palaging pakikialam sa internal affairs ng mga bansang Arab, na nagbunsod ng tensyon at kaguluhan sa rehiyon.

Sa isang liham sa U.N. General Assembly na ipinakalat noong Lunes, tinukoy ng 11 bansa ng suporta ng Iran sa mga rebeldeng Shiite Houthi sa Yemen at grupong Shiite Hezbollah sa Lebanon na nagpadala ng mga mandirigma upang suportahan ang Syrian government.

Inakusahan din nila ang Iran ng pagsusuporta sa “terrorist groups and cells” sa Bahrain, Iraq, Saudi Arabia, Kuwait at iba pang bansa.

Ang liham, inorganisa ng United Arab Emirates, ay nilagdaan ng Saudi Arabia, Egypt, Jordan, Sudan, Morocco, Bahrain, Kuwait, Oman, Qatar at Yemen.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina