Natagpuang palutang-lutang sa ilog ang bangkay ng isang ‘di pa nakikilalang lalaki malapit sa isang makasaysayang parke sa Intramuros, Maynila, nitong Linggo ng hapon.

Ang bangkay, inilarawang nasa edad 25 hanggang 30, may taas na 5’4”, katamtaman ang pangangatawan, kulot, nakasuot ng itim na t-shirt na may nakaimprentang, “ID 25 The beer store,” ay nadiskubre ni Michael Angelo Vega, 32, guwardiya ng Lockheed Global Scty. Guard, na nakatalaga sa Fort Santiago sa Intramuros, Maynila.

Nag-iikot umano si Vega dakong 4:10 ng hapon nang mapansin ang palutang-lutang na bangkay sa ilog malapit sa Fort Santiago.

Kaagad umanong ini-report ni Vega sa kinauukulan ang nakita bago pinagtulung-tulungang iahon ang bangkay.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Ayon kay SPO1 Bernardo Cayabyab, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), walang sugat sa katawan ng biktima kaya posible umanong pagkalunod ang ikinamatay nito.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon. (Mary Ann Santiago)