Sinibak sa tungkulin ang limang pulis, kabilang ang isang hepe, matapos silang ipagharap ng kasong administratibo dahil sa pagdukot umano sa isang negosyante sa Cagayan de Oro City, Misamis Oriental, sinabi ng pulisya kahapon.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO)-Region 10 Spokesperson Supt. Surki Sereñas ang mga sinibak sa puwesto na sina Senior Insp. Ereneo Ramirez, dating hepe ng Crime Against Person and Property Desk ng Cagayan de Oro City Police Office; PO3 Alejandro Ubanan; SPO2 Jojo Lim; SPO1 Alaindelon Tacubao; at PO2 Hussein Bolanio.

Sinabi ni Sereñas na pinagre-report ang limang pulis sa Regional Police Holding and Accounting Office sa Camp Alagar habang iniimbestigahan ang kasong kidnapping na kinahaharap ng mga ito.

Ayon kay Sereñas, kinasuhan ang lima sa pagdukot kay Enrique Fernandez III, na hindi pa natatagpuan hanggang ngayon.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Natukoy ang mga suspek batay sa CCTV footage na hawak ng National Bureau of Investigation (NBI)-Region 10 na kuha sa establisimyento kung saan tinangay si Fernandez. (Fer Taboy)