Ang 2016 UFCC Stagwars ay nagpapatuloy kahapon sa paglatag ng 12th Leg 6-Stag Derby sa Ynares Sports Arena na inaasahan ang mas mahigpit na labanan sa pagpasok sa huling bahagi ng giyera para sa titulo na 2016 UFCC Stagfighter of the Year.

Nasaksihan ng mga opisyonado ang isa sa mga pinakamatinding stag derby noong nakaraang Sabado sa ika-11 yugto ng 2016 UFCC Stagwars na nagresulta sa tatlong entry na nagsalo para sa kampeonato.

Ang mga nagkampeon na may magkakatulad na iskor na tig-limang panalo at tig-isang talo ay ang mga lahok na AA AS Combine ni Charlie “Atong” Ang & Allan Syiaco; Full Force Na ni Nelson Uy & Dong Chung at ang 419 Happy B-day Janet ni Edwin Tose.

Nagpakitang-gilas din sa pagtatala ng tig-4 na puntos ang mga entry na DMM RJM Tiaong (RJ Mea); Mergie Nov. 17 5-Stag sa Sta. Monica (Aurelio Yee), Kaingin (Jojo Cruz), Ahlauck Camsur (Ricky Magtuto) at San Roque Calihan (Joey delos Santos).

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Ang La Loma Cockpit - pinakamatandang sabungan sa Pilipinas na tinayo pa noong 1901, ang siyang pagdarausan ng ika-13 yugto sa Nob. 19 at pagkatapos ay muling babalik sa Ynares sa Nob. 24 at 26.

Gaganapin sa Lucky Sports Complex sa San Pablo City sa Nob. 29 ang 16th Leg, samantalang magtatapos ang 2016 UFCC Stagwars sa pamamagitan ng isang 7-stag derby sa Ynares Sports Center sa Disyembre 3.

Samantala, tuloy na tuloy na ang pagdaraos ng pinakahihintay ng lahat na 2017 World Pitmasters Cup sa Enero 15-21 sa Resorts World – Manila na may garantisadong premyo na P15 milyon para sa entry fee na P88,000 at minimum bet na P33,000. Magkakatuwang sa derby na ito sina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza and RJ Mea.