Mahigpit ngayong sinusubaybayan ng rights groups ang lumalaganap na hate crimes sa United States (US), kung saan target ang minorya, kabilang ang mga Muslim, blacks at mga taga-Asya.

Sa social media, humakot ng banta at insulto ang minorya at ibinibintang ito sa mga taga-suporta ni US president-elect Donald Trump.

Ilan sa mga mensahe sa North Carolina na naging viral sa social media ay nagsasaad ng mga katagang “Black Lives Don’t Matter and Neither Does Your Votes.” Mayroon pang swastika at nakasulat na “Make America White Again” sa baseball dugout naman sa New York.

Nitong Huwebes, (Biyernes sa Pilipinas), inihayag ng civil rights leaders na nakakatanggap sila ng report hinggil sa pambu-bully ng mga kabataang mula sa racial at religious minority groups.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

Ayon kay Mark Potok, senior fellow sa Southern Poverty Law Center civil rights group, ngayon lamang siya nakakita ng ganito katapang at kadaming hate crimes sa Amerika, simula nang manungkulan bilang kauna-unahang black president si Barack Obama noong 2008.

Sa panig ng U.S. Muslim civil rights group, sinusubaybayan naman nila ang pagtarget sa mga Muslim.

Sa talaan ng Council on American-Islamic Relations (CAIR), dalawang babaeng nakasuot ng Islamic head scarves na ang inatake, binu-bully ang mga batang immigrant, at nagkalat ang racist graffiti.

“It’s the inevitable result of the mainstreaming of Islamophobia we’ve seen in recent months with the presidential campaign,” ayon kay CAIR spokesman Ibrahim Hooper. “Unfortunately, it really is up to Donald Trump to repudiate this kind of bigotry.”

Sa Amerika, nasa ikatlong gabi na ang protestang isinasagawa laban sa panalo ni Trump sa eleksyon.

Payapa naman ang martsa, gayundin ang demonstrasyon sa mga college campus. Nag-walk out din ang high school students bilang protesta pa laban kay Trump. (REUTERS/AP)