CAMP DANGWA, Benguet – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem ang isang barangay chairman sa Abra, ayon sa ulat na natanggap ng Police Regional Office (PRO)-Cordillera sa La Trinidad.
Palaisipan pa sa pulisya ang motibo sa pamamaslang kay Rommel Vergara Timbreza, chairman ng Barangay Silet sa San Juan, Abra.
Sa inisyal na imbestigasyon, bumibili ang biktima ng automotive spare parts sa Torjos Street sa Zone 5, Bangued, dakong 1:45 ng hapon nitong Huwebes nang pinagbabaril siya sa ulo ng magkaangkas sa motorsiklo. (Rizaldy Comanda)