Tatlong katao, kabilang ang isang abogado, ang nadakip ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) habang nagpa-pot session sa Balingasag, Misamis Oriental, kahapon.

Bitbit ang search warrant, naaresto ng mga operatiba ng PDEA-Region 10 at ng Regional Intelligence Division ng Police Regional Office (PRO)-10 si Atty. Michael Roa, pamangkin niyang si Johnrey Roa, at live-in partner nito na si Justin Fontanella, sa Barangay 5, Balingasag.

Nakumpiskahan umano ng ilang sachet ng hinihinalang shabu, ang abogado ay kapatid ni Balingasag Mayor Marietta Roa-Abogado, na anak ni dating Mayor Porferio Roa at pinsan ng dating gobernador na si Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno. (Fer Taboy)

Probinsya

Tatay na patungo sanang Negros para sa anak na may sakit, nawawala!