CAPAS, Tarlac – Isang sinasabing drug pusher ang nakipagbarilan umano sa pulis na katransaksiyon nito sa buy-bust sa Sitio Tambo, Barangay Sto. Domingo 2nd, Capas, Tarlac, nitong Martes ng tanghali.

Sa ulat kay Supt. Arnel Rebancos Red, hepe ng Capas Police, kinilala ang napatay na si Argel Galang, 44, may asawa, ng Bgy. Cristo Rey.

Isinagawa ang buy-bust, sa pangunguna ni SPO1 Theovasco Nolasco, sa Sitio Tambo subalit nahalata umano ng suspek na pulis ang katransaksiyon niya hanggang bumunot umano ito ng pulis at nakipagbarilan.

Nasamsam sa lugar ng engkuwentro ang isang .38 caliber pistol na may dalawang bala, apat na plastic sachet ng hindi pa matiyak na gramo ng shabu, apat na basyo ng .9mm caliber, cell phone, at isang asul na motorsiklo (NC-49347). (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog