Nakabawi ang Far Eastern University-Diliman sa natamong kabiguan sa third set upang mapataob ang Adamson University, 26-24, 25-20, 19-25, 25-20, at panatilihin ang kanilang pag-asang umusad ng semifinal ng girls division ng UAAP Season 79 high school volleyball tournament sa Adamson University gym.

Sinamantala ng Junior Lady Tamaraws ang mga errors ng Junior Lady Falcons upang maipanalo ang unang do-or-die matches na kailangan nilang daanan.

Susunod na makakatunggali ng FEU-Diliman ang University of the East sa isa uling knockout game, para sa ikatlo at huling slot sa step-ladder semifinals ngayong 3:00 ng hapon.

Awtomatikong pumasok ng finals ang defending champion National University sa bisa ng itinala nitong 12-game elimination round sweep.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Nasiguro naman ng University of Santo Tomas ang twice-to-beat advantage sa step-ladder semis makaraang tumapos na may barahang 10-2.

Pumangatlo naman ang De La Salle-Zobel sa barahang 8-4.

Haharapin ng Junior Lady Spikers ang mananalo sa pagitan ng Junior Lady Warriors at Junior Lady Tamaraws sa unang step-ladder match. (Marivic Awitan)