maxey-copy

Kabuuang 136-member Team Philippines na binubuo ng atleta, coach at opisyal mula sa local government units (LGUs) ng Palawan at Davao City ang sasabak sa 9th Brunei, Indonesia,Malaysia, Philippines- East Asean Growth Area (BIMP-EAGA) Friendship Games sa Disyembre 6-12 sa East Kalimantan, Indonesia.

Pangungunahan ni Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Charles Raymond A. Maxey bilang Chief De Mission at Commissioner-in-charge ang delegasyon ng bansa.

Puspusan na ang paghahanda ng mga atleta mula sa focus area ng Palawan at Davao City at ipinangako ng host country ang tagumpay ng Friendship Games sa isinagawang pagpupulong ng BIMP-EAGA Sports Council sa Hall of Governor sa Samarinda, East Kalimantan kamakailan na nilahukan nina Philipine representative Michelle Balunan at Zennie Rollon.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Binubuo ng 42 atleta, coach at opisyal ang Palawan delegation na lalahok sa limang sports na athletics, archery, lawn tennis, table tennis, at sepak takraw.

Nakapagbuo naman ang Davao City delegation ng 86 atleta at opisyal na sasabak din sa nasabing sports, gayundin sa badminton, basketball, penchak silat, karate, at beach volley.