SINGAPORE – Tatangkain ni Filipino homegrown mixed martial artist Eduard ‘The Landslide’ Folayang ng Team Lakay na masungkit ang world championship sa pakikipagtuos kay Japanese champion Shinya “The Tobikan Judan” Aoki sa ONE Championship lightweight title dito.

Inamin ni Aoki, na ang laban sa Pinoy ang inaasahan niyang pinakamahirap na laban sa kanyang career bunsod na rin sa karanasan ng Pinoy challenger at itinuturing na isa sa pinakamahusay na striker sa premyadong MMA sa Asya.

Kumpiyansa si Folayang na makakamit ang tagumpay na limang taon na niyang hinihintay.

“The main event is a legitimate super fight in every sense of the word,” pahayag ni ONE Championship executive Victor Cui.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

“We have the best fighter from the Philippines going up against one of the best fighters from Japan and the world.”

Pinakaaabangan ang duwelo nang dalawa na kapwa malakas at mabilis, ngunit magkaiba ang istilo para makamit ang panalo.

“It’s Brazilian jiu-jitsu against wushu, the true Filipino warrior versus the iconic Japanese MMA legend.”

“The storylines are set and ready to bring the crowd up to their feet,” sambit ni Cui.