MARRAKECH, Morocco (Xinhua) — Nagsimula na ang 22nd Conference of Parties (COP22) sa United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) dito.

Sa opening ceremony ng COP22 na ginanap nitong Lunes (Martes sa Pilipinas) sa Marrakech, isinalin ni COP21 president Segolene Royal ang panguluhan kay Foreign Affairs Minister Salaheddine Mezouar ng Morocco.

Sa kanyang talumpati sa mga kalahok, pinuri ni Segolene Royal ang pagpapatibay sa Paris Agreement noong Nobyembre 4 at ang close coordination ng France at Morocco sa nakalipas na taon hanggang sa COP22.

May 20,000 delegado mula sa 196 na bansa ang nagtitipon sa Bab Ighli village, Ochre City, para sa dalawang linggong COP22 climate change conference.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’