joshua-garcia-and-matt-evans_the-greatest-love-copy

HINDI lang alaala ni Gloria (Sylvia Sanchez) ang unti-unting nasisira kundi pati na rin ang kanyang pamilya simula nang mabulgar sa kanyang mga anak ang katauhan ng tunay na ama ni Liezelle (Andi Eigenmann) sa Kapamilya afternoon series na The Greatest Love.

Mapagbiro ang tadhana kay Gloria dahil sa pag-aakala niyang maayos na ang kanyang pamilya. Isang malaking unos naman ang dumating sa sorpresang pagpapakita ni Pedro (Noel Buencamino), ang ama ni Lizelle. 

Hindi matanggap ng kanyang mga anak ang sekretong pilit na itinago ng kanilang ina at lubos ang naging galit nila, dahilan para muling magkawatak-watak ang pamilyang kanyang pilit na binubuo.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Maayos pa kaya ni Gloria ang lahat bago pa mang mawala ang kanyang alaala?

Samantala, patuloy ang masugid na pagsubaybay ng mga manonood sa The Greatest Love. Noong Huwebes (November 3), dahil sa maiinit na eksena ng serye, pumalo ito sa pinakamataas na national TV rating na 17.3% at tinalo ang katapat na programang Sa Piling ni Nanay, na nakakuha naman ng 13.8%.

Nag-trend din sa Twitter ang hashtag na #TGLUlirangIna, patunay sa mainit na suporta maging ng netizens.

Napapanood ang The Greatest Love tuwing hapon pagkatapos ng Doble Kara sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable Ch 167).