IPINAGTANGGOL ni Cara Delevingne ang sarili sa British tabloid na nagsabing hindi siya napabilang sa Victoria’s Secret Fashion Show noong 2014 dahil siya ay “too bloated” ‘during casting’ o habang pinipili ang mga rarampa.

Ibinahagi ng 24 taong gulang na model-actress sa Instagram ang larawan ng liham mula sa chief marketing officer ng Victoria’s Secret na si Edward Razek, na ipinagtanggol si Delevingne at ipinaliwanag ang totoong nangyari.

Ang inilagay na caption ni Delevingne: “It’s shameless to discuss women’s bodies just to sell papers #bloated”

Sa liham ni Razek, inihayag nito na “a complete fabrication” ang inilabas na artikulo ng The Sun.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Inihayag pa ni Razek na tinanggap ng Victoria’s Secret na hindi makakarampa si Delevingne noong panahong iyon dahil may shooting siya ng kanyang pelikula sa North Carolina.

Hindi nakarampa noong 2014 sa London ang Suicide Squad star, na rumampa sa fashion show noong 2012 at 2013, dahil may shooting siya ng Paper Towns.

“Victoria’s Secret made every effort to have you in the London show,” aniya. “I know, because I was the one making the effort.”

At para lalong patunayan na walang katotohanan ang isinulat ng The Sun, sinabi ni Razek na walang naganap na casting para sa fashion show.

Nilinaw din ni Razek na mahal ng Victoria’s Secret ang model-actress, at tinapos ang liham sa imbitasyon kay Delevingne para makasama sa 2016 show sa Paris sa Nobyembre 30.

“As always, we’d love to have you,” pagtatapos ng liham. “No casting necessary!” (MB Entertainment)