Sinisikap ng technical working group (TWG) ng House Committee on Transportation na magbalangkas ng kapalit na panukala sa planong pagkakaloob ng emergency powers kay President Duterte upang masolusyonan ang problema ng trapiko sa bansa.

Sinabi ni Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento, chairman ng komite, sinisimulan na nila ang draft ng substitute bill matapos ang 10 marathon hearings hinggil sa iba’t ibang emergency powers proposals bago ang congressional break, upang masiguro na lahat ng sektor ay napakinggan at nakonsulta.

Naka-pending sa komite ang 10 panukala na inihain ng mga kongresista, kabilang ang panukala ng Department of Transportation (DOTr), at ng iba pang mga ahensiya ng gobyerno at pribadong organisasyon. (Bert de Guzman)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'