WASHINGTON (Reuters) – Opisyal nang nagkabisa nitong Biyernes ang pandaigdigang kasunduan para labanan ang climate change na napagkasunduan sa Paris noong nakaraang taon. Naglagay ito ng pressure sa halos 200 bansa na simulan ang pagpapatupad ng mga plano para mabawasan ang kanilang greenhouse gas emissions.
“This is a moment to celebrate,” sabi ni United Nations climate chief Patricia Espinosa. “It is also a moment to look ahead with sober assessment and renewed will over the task ahead.”
Nilalayon ng Paris Agreement na hikayatin ang world economy na bawasan ang paggamit ng fossil fuels sa second half ng siglo upang malimitahan ang pagtaas ng temperature ng mundo “well below” 2.0 degrees Celsius (3.6 Fahrenheit) above preindustrial times.
Magtitipon ang mga kinatawan mula sa halos 200 bansa sa Lunes sa Marrakesh, Morocco sa loob ng dalawang linggo para talakayin ang nuts and bolts ng Paris accord at ang mga polisiya, teknolohiya at pondo na kailangan upang matiyak na matatamo ang mga layunin ng kasunduan.