SAN CLEMENTE, Tarlac - Hindi akalain ng isang 81-anyos na lalaki na ang pagtawid niya sa municipal road ng Barangay Poblacion Sur sa bayang ito ang magdudulot ng kanyang kamatayan matapos siyang masalpok ng tricycle nitong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ni PO3 Jojo Antonio ang nasawi na si Segundo Guting, Jr., may asawa, ng Bgy. Poblacion Sur, San Clemente, Tarlac.

Walang plaka ang tricycle na nakabundol kay Guting at minamaneho ni Jacinto Rico, 61, magsasaka, ng Bgy. Casipo, San Clemente.

Hindi na umabot nang buhay si Guting sa Senior Sto. Niño Hospital. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog