SAN ANTONIO, Nueva Ecija – Isang 35-anyos na sangkot sa carnapping ang naaresto sa pinagtataguan niyang lugar sa Barangay Buliran sa bayang ito, Martes ng gabi.

Sa ulat ng San Antonio Police kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang nadakip na si Ernesto Labungay y Derelo, ng nasabing lugar.

Inaresto si Labangay sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Celso O. Baguio, ng Regional Trial Court Branch 36 ng Gapan City, at walang inirekomendang piyansa. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!