Pararangalan ng Canlubang Little League ang namayapang baseball legend Filomeno “Boy” Codinera bago ang pagbubukas ng CLL annual tournament sa Sabado sa Canlubang Stadium.
Miyembro nang matagumpay na Canlubang Barons si Codiñera noong dekada 60s at 70s. Pumanaw siya nitong nakalipas na linggo sae dad na 77.
May kabuuang 17 koponan ang sasabak sa torneo na binubuo ng pitong koponan sa minor (8-10 years old) division, apat sa majors (11), apat sa juniors (13-14) at dalawa sa seniors (15-16).
Pangungunahan ni dating Baron Joseph Hardillo ang panalangin, habang magbibigay ng kanilang mensahe sina CLL board member Felix Yulo at league president Andy Locsin.
Si Rod Valencia, isa ring dating Baron, ang tournament director.