sunshine-gabby-at-ryza-copy

MASAYA ang fans ni Ryza Cenon na regular na uli siyang mapapanood sa may bagong soap sa GMA-7, hindi lang guest gaya ng paglabas niya sa Alyas Robin Hood.

Sa bagong soap na wala pang title, isa si Ryza sa main cast kasama sina Gabby Concepcion, Mike Tan at Sunshine Dizon.

Sa ibinigay na clue ni Gabby, parang si Ryza ang magiging mistress niya sa story.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ngayong sunud-sunod ang projects ni Ryza sa GMA Network, sana ay hindi na bumalik ang depression na dumating sa kanya nang matagal siyang mawalan ng project. Wala na siyang time ma-depress ngayon. Work na lang nang work para sa ekonomiya.

Nagpasalamat si Ryza sa gesture ni Gabby na nagmi-message sa mga kasama at sinasabing, “Looking forward to a great project with you and the team.”

Si Laurice Guillen ang director ng still untitled na Afternoon Prime na airing na raw sa December.