Malabong gumamit ng nuclear power ang Pilipinas habang nasa panahon ng panunungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte.

“It is not yet an extremist. Wala pa talaga tayo (sa) danger zone that we will die if there’s no energy because it runs the machines but we are not in that danger,” ayon kay Duterte nitong Martes ng gabi.

“But when the going gets tough, maybe someday (but) not during my presidency. Huwag muna ngayon,” dagdag pa ng Pangulo.

Public safety ang unang katwiran ni Duterte kaya’t hindi siya pabor sa nuclear energy.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Gayunpaman, dapat pa rin umanong pag-aralan mabuti ng Kongreso at pribadong sektor ang nuclear power.

“We have to come up with safeguards. Really, really tight safeguards to assure that there will be no disasters if there is a nuclear leak or explosion somewhere in the nuclear reactors that we will build in,” paalala ng Pangulo, sakaling sa mga susunod na panahon ay bubuhayin ang ideya hinggil sa nuclear energy.

Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod ng sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na inumpisahan na nilang silipin ang nuclear power bilang opsiyon sa pangmatagalang enerhiya ng bansa.

Inilutang ni Cusi ang posibilidad na buhayin ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) na nangangailangan ng $1 billion para gumana ang pasilidad na itinayo may apat na dekada na ang nakakaraan. (Genalyn D. Kabiling)