Dalangin ni Pangulong Duterte ang tagumpay ni Sen. Manny Pacquiao sa kanyang laban kay World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Jessie Vargas sa Sabado (Linggo sa Manila) sa Las Vegas.

Kumpiyansa ang Pangulo na mananalo si Pacquiao via knockout.

“I hope it comes within the first four rounds,” pahayag ni Duterte sa pakikipagpulong sa media matapos dumalaw sa puntod ng kanyang mga magulang sa Davao Public and Roman Catholic Cemetery.

Inamin ni Duterte na hindi siya boxing expert, ngunit sinabi niyang kailangan ni Pacquiao na mapatumba ang karibal sa kaagahan ng laban kung nais niyang manalo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“If it goes beyond 7, 8 (rounds) pagod na ‘yan.”

“Kung masapol ni Manny ‘yan, knowkdown ‘yan, sigundo ‘yan,” aniya.

Iginiit ni Duterte na ipinagdarasal niya si Pacman sa tuwing ito’y umaakyat sa lona. “Alam ni Manny ‘yan... everytime he fights.”

Sinabi ni Duterte na noong siya ay mayor pa ng Davao City, lagi siyang pinaghahandaan ng dalawang tiket ni Pacquiao.

Ngunit, hindi niya ito matanggap dahil hindi naman niya magagamit sa dami ng trabaho sa munisipyo.

“He would always say, may dalawang ticket ako Mayor para sa iyo. Kasi kaibigan kami ‘yan noon pa eh. Hindi pa ‘yan siya ano sikat.. Sinabi ko na lang, Man’ wala talaga akong panahon... Noon, wala akong pera, sabi ko pa, dasal na lang ako. I’ll pray for you,” pahayag ni Duterte. (Elena L. Aben)