Nagpatupad ng big-time price increase sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang kumpanyang Petron Corporation kahapon ng umaga.

Epektibo dakong 6:00 ng umaga kahapon, nagtaas ang Petron ng P3.80 sa presyo ng kada kilo ng kanyang Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P41.80 sa bawat 11 kilo na tangke nito.

Bukod pa rito ang dagdag-presyo na P2.15 sa bawat kilo ng Extend auto-LPG ng nasabing kumpanya.

Nilinaw ng Petron na hindi nila ipatutupad ang dagdag-presyo ng LPG at auto-LPG sa mga apektadong lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

Tsika at Intriga

'Mas mahirap suportahan ang lokal na turismo dahil ang mahal!'—Bianca Gonzalez

Ang bagong price increase ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.

Ikinadismaya ng mga may-ari ng carinderia ang panibagong malaking taas-presyo sa LPG. (Bert de Guzman)