011116_fvr-file_10-copy

Malaki ang naiambag ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa pagpapanumbalik ng magandang relasyon ng bansa sa China at higit siyang kailangan ngayon upang lalong tumibay ang ugnayan ito, ayon sa opisyal ng Palasyo.

Binigyang-diin ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang kahalagahan ni Ramos sa relasyon sa China matapos magbitiw ang dating pangulo bilang special envoy to China.

Iniulat na ipinadala ni Ramos ang resignation letter nito sa Office of the Executive Secretary ngunit hindi pa ito inaaksyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“PFVR’s presence is invaluable. PFVR was appointed by PRRD as Special Envoy precisely because of his stature, credibility as our elderly statesman and his ability to break the ice with the Chinese Government,” ani Andanar sa isang text message.

“PFVR was instrumental in the softening of ties between our government and the PROC, which led to the very successful recent State Visit of PRRD in Beijing,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Andanar na maaari pa ring magkaroon ng malaking papel si Ramos sa pakikipag-usap ng Pilipinas sa China.

“His stature and expertise are needed now, more than ever, to follow up and bike on what President Duterte accomplished during his recent visit to China,” aniya.

Inihayag ni Ramos na nagbitiw siya bilang special envoy to China matapos magbalik si Pangulong Duterte mula sa matagumpay na pagbisita sa Beijing. Katwiran niya, nagawa na niya ang kanyang trabaho. (Genalyn D. Kabiling)