NANGAKO si President Rodrigo Roa Duterte na hindi na magmumura matapos umano niyang makausap ang Diyos habang sakay ng eroplano mula sa 3 araw na pagbisita sa Japan. Ang pahayag ay ginawa ni Mano Digong sa mga reporter paglapag niya sa Davao City mula sa bansa ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe, dala-dala ang ilang bilyong dolyar mula sa Japanese investors.

Ayon kay President Rody, habang tulog na tulog ang kasamahang cabinet officials at iba pa sa loob ng eroplano at nangaghihilik, may narinig daw siyang boses na kapag hindi siya tumigil sa pagmumura (cussing), ibabagsak niya ang eroplano ngayon din. Nang magtanong siya sa sarili at magsuri, naunawaan niyang tinig ito ng Diyos. Dahil sa banta ng tinig, nangako siyang iiwasan na ang pagmumura at pagsasabog ng maaanghang at masasakit na salita.

Sana ay matupad na ito ni RRD na nangako na noon na hindi na magmumura kapag siya ay naluklok na presidente, pero mukhang “pangakong napako”. Sawang-sawa na ang mga Pinoy sa kanyang pagmumura sapagkat ang “pi... ina” niya ay patama sa ina ng tao. Minura na niya si Pope Francis dahil sa trapiko. Minura na niya sina US Pres. Obama, UN Sec. General Ban Ki-moon at ang European Union bunsod ng mga komento nila sa posibleng human rights at extrajudicial killings sa inilulunsad niyang drug war.

Batay sa mga ulat, may 4,000 pusher at user ang naitutumba ng mga tauhan ni PNP Director General Ronald “Bato” dela Rosa at ng mga vigilante at drug syndicates. Nanlaban umano ang mga ito sa raiding teams gayong ang hawak na baril ay .38 cal. Pistol, samantalang ang gamit ng mga pulis ay malalakas na uri ng armas. Papaano lalaban ang ordinaryong users sa high-powered firearms ng mga pulis?

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kahit papaano, tagumpay ang pagpunta ni Pres. Duterte sa China. Nakausap niya si Pres. Xi Jinping at mga opisyal ng bansa ni Mao Tse Tung. Umuwi ang pangulo na bitbit ang may $24 billion Chinese investments, bukod pa na ngayon ay malaya nang nakapangingisda ang ating fishermen sa Panatag Shoal.

Congratulations, Mr. President, at sana’y magtagumpay ka sa isinusulong mong independent foreign policy. Magtagumpay ka rin sa pagsugpo sa illegal drugs sa mahal nating bayan.

Hangarin ng mga kababayan mo na iwasan mo na ang pagmumura sapagkat ikaw ang pangulo ng bansa na kilala sa hospitality, magalang, at maingat sa pagsasalita. Hala ka, baka bumagsak ang eroplano mo kapag hindi ka tumupad sa pangako! Mabuhay ka! (Bert de Guzman)