MARAMING nagtatanong ng updates tungkol sa ‘honeymoon’ nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Nagkaroon ng changes, kaya hindi natuloy ang balak nila na dapat ay magkasama sila last Monday sa London. Inuna pa rin ng dalawa ang public service, tulad ng naipangako nila na iyong wedding gifts sa kanila ng AlDub Nation ay ipamamahagi nila sa mga nasalanta ng super thyphoon ‘Lawin’. Bukod sa gifts, humingi rin sila ng donations mula sa mga iniendorso nilang mga produkto.

Kaya nitong Sabado, October 29, ipinakita na sa kalyeserye ang repacking ng goods na ipamimigay nila, katulong ang mga That’s My Bae na bumubuo sa bagong morning feel-good serye na Trops.

Ipinahiram ng Eat Bulaga ang isa nilang malaking truck na pinagkargahan ng relief goods. As per report ng AlDub Nation, tinanggap noong Monday, October 31, ng 923 beneficiaries/population ng Barangay Ricarte, Batac City, Ilocos Norte ang relief goods, bukod pa sa mga nakasakong bigas at iba pang goods na mga nakakarton pa mula sa fans. 

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Iyong mga gifts na balot pa ng wedding wrappers ay mga regalo rin ng fans na dumalo sa special episode ng “Kalyeserye: The Wedding.” Ang used clothings, towels at mga kumot na hindi na na-repack ay diretso nang dinala sa Brgy. Ricarte at mga fans na tagaroon ang namahala sa distribution. Kaya labis-labis ang pasasalamat ng mga kababayan nating naapektuhan ng malakas na bagyo sa tulong na ibinahagi nina Alden at Maine at ng kanilang sponsors at ng AlDub Nation.

Pero hindi pa rin nakaalis nang sabay sina Alden at Maine papuntang Europe. Nauna si Maine, kasama ang Tuviera family last Sunday afternoon. Sumunod naman last Monday afternoon si Alden, na nagpakakuya muna dahil kasama naman niya ang apo ni Mr. Tony Tuviera, si Ninno, na nag-post na may caption na, ‘My travel buddy for twenty two hours....

@aldenrichards02.”

Sinalubong ng AlDub fans si Maine na first time nakarating ng London, pero one day lang pala siya roon kaya ipinaalam na niya sa fans nila na Tuesday, November 1, na sila magkikita ni Alden sa Germany.

Gusto ni Maine na isama si Alden sa Convent of the Pink Sisters sa Munich, Germany. Ito iyong pinuntahan niya nang mag-shooting sila ngImagine You & Me sa Italy last May. Kaya lang, kailangan nang bumalik na una si Alden sa Pilipinas, kaya hindi na niya naisama sa kumbento na ang Mother Superior ay isang Filipina. Nangako siya na pagbalik niya ng Germany, kasama na niya si Alden. (NORA CALDERON)