derek-lovi-cdl-copy

MANANATILI palang loyal si Derek Ramsay sa TV5, kahit siya na lang ang big star na naiwan sa Kapatid Network at kahit wala nang entertainment show dahil concentrated na ito sa sports.

“I’m still their contract star until April, 2018,” sabi ni Derek. “Kung wala silang shows ngayon for entertainment programming, I’m a sports guy, so sa sports nila ako p’wedeng gamitin. Isa sa dream ko na magpatuloy ang TV5 at gumawa pa sila ng mga shows na pang-sport, kung ano ang maitutulong ko, gagawin ko.

“Kaya dito lang ako, maghihintay, kung kailangan nila ako, nandito lang ako, para magtrabaho. Hindi naman nila ako binabawalang gumawa ng movies, they are very supportive to me.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Paano kung matapos na ang contract niya sa 2018 at gusto pa rin siyang i-renew ng TV5?

“If alukin nila ulit ako na maging contract star nila, they are my priority tatanggapin ko pa rin ang offer nila.”

Wala ba siyang balak na lumipat sa ibang network?

“Ayaw kong mag-isip ng ganoon, lalo pa at under contract pa ako sa kanila. Nakakalungkot naman na may contract pa ako nag-iisip na akong lumipat. Ayaw ko ng ganoon. They have been good to me, kaya ayaw ko silang iwanan.”

Pero bakit sa Eat Bulaga, pwede siyang mag-guest?

“Ang first TV career ko, sa Eat Bulaga. Hindi ko iyon kinalilimutan, kaya kapag pinapa-guest nila ako, never ako humindi. Malaki ang utang na loob ko sa kanila.”

Freelancer as movie actor si Derek. Ngayong November 2, masaya siya na opening day na ng bago niyang movie sa Regal Entertainment, ang The Escort na first time niyang pakikipagtrabaho kina Christopher de Leon at Lovi Poe. Showing na ito in cinemas nationwide. (Nora Calderon)