CABANATUAN CITY - Hindi na mapakikinabangan ng mga taga-Norte ang milyung-milyong pisong halaga ng palay na nababad sa baha, habang ang iba ay hindi na nabubuo ang butil nang manalasa ang bagyong ‘Lawin’ kamakailan.

Dahil dito, kaagad na sumaklolo ang National Food Authority (NFA) sa Regions 1, 2 at 3 sa mga magsasaka, bagamat mababa lamang ang presyuhan ng ahensiya sa mga palay.

Ayon sa NFA, bagsak-presyo sa P11/kilo ang bili ng ahensiya sa mga palay na maaari pang pakinabangan, mas mababa kumpara sa dating bilihan ng NFA na umaabot sa P17/kilo at may dagdag na P0.70 kada kilong insentibo.

(Light A. Nolasco)

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!