HABANG sinusulat namin ang item na ito, hindi pa rin nakakaalis ng bansa si Robin Padilla para masamahan sana sa Amerika ang asawang si Mariel Padilla na nakatakdang manganak doon sa November.
Sa Facetime, Skype at video na lang na ipinapadala ni Mariel nakikita ni Robin ang progress ng pagbubuntis ng asawa.
Sa tinawag na “stork story” video ni Mariel, nakalagay ang mga paghahanda nito sa pagsilang ng baby nila ni Robin.
May stork stroller pang ipinakita si Mariel na kinabiliban ni Robin.
Post ni Robin: “Isang buwan na lang makikita mo na ang iyong pinakahihintay @marielpadilla MARIA ISABELLA de PADILLA.”
Sana naman mabigyan na ng US visa si Robin para katabi siya ni Mariel sa panganganak nito at sabay na silang bumalik ng bansa kasama ang baby nila.