Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na aalisin na ng Korte Suprema ang temporary restraining order (TRO) para sa pagpapatupad ng curfew sa mga menor-de-edad sa tatlong lungsod sa Metro Manila.

Sinabi ni Duterte, hindi naman aarestuhin ang mga menor sa pagpapatupad ng curfew, kundi para proteksiyunan sila sa mga posibleng masamang mangyari sa kanila sa kalsada sa dis-oras ng gabi.

Ayon pa kay Duterte, ang dapat arestuhin ay mga magulang dahil sa kanilang pagiging pabaya sa kanilang mga anak na gumagala kahit hatinggabi o madaling araw na.

Magugunitang nagpalabas ng TRO ang Supreme Court (SC) upang pigilan ang pagpapatupad ng curfew sa mga bata sa Manila, Quezon City at Navotas.

Probinsya

Rider na humarang sa nagmamadaling truck ng bumbero, buminggo sa LTO

Kinuwestiyon ng Samahan ng mga Progresibong Kabataan ang local ordinance ng QC, Manila at Navotas sa pagpapatupad ng curfew mula 10:00 ng gabi hanggang ng umaga dahil nilalabag daw nito ang karapatan ng mga kabataan. (Beth Camia)