Sinuspinde na ng Sandiganbayan si North Cotabato Gov. Emmylou Taliño Mendoza kaugnay ng kinakaharap nitong kasong graft sa maanomalyang pagbili ng P2.4-milyon diesel sa gasolinahan ng kanyang ina noong 2010.

Sa inilabas na ruling ng 1st Division ng anti-graft court, pinatawan ng 90-araw na preventive suspension si Mendoza batay sa nakasaad sa Section 13 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019).

Kamakailan, hiniling ng prosecution panel na suspendihin muna si Mendoza sa posisyon habang nililitis ang kaso nito upang hindi maimpluwensiyahan ang paglilitis.

Nahaharap si Mendoza sa kasong graft makaraang aprubahan niya ang pagbili ng 49,526.72 litro ng krudo para sa road grader at apat na dump truck na gagamitin sa dalawang araw na road rehabilitation project sa lalawigan, nang walang isinasagawang public bidding. (Rommel P. Tabbad)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito