Ginapi ng University of the East, sa pangunguna ni Nicole Mendina sa naiskor na 15 puntos, ang Ateneo, 50-30, kahapon para makausad sa Final Four sa ikalawang sunod na season sa UAAP Season 79 women’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Dahil sa panalo, umangat ang Lady Warriors sa 8-3 karta para patatagin ang kapit sa ikatlong puwesto.

Sa iba pang laro, naungusan ng season host University of Santo Tomas ang Far Eastern University, 62-58, upang mapanatiling buhay ang tsansang pumasok ng semifinals sa pag- akyat sa markang 4-7.

Bumagsak naman ang Lady Eagles, pinamunuan ni Hazelle Yam na nagtapos na may 11 puntos, sa ikaanim na puwesto tangan ang 5-8 karta.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nagtala si Jhenn Angeles ng 18 puntos at walong rebound, kasunod si Shanda Anies na may 14 puntos at walong board para pamunuan ang Tigresses na naiiwan ng isang laro ng Adamson University (5-6), ang pinakamaliit nilang kaagaw sa huling semifinals berth.

Nabigo naman ang Lady Tamaraws na sundan ang naitalang 66-62 upset win kontra Lady Archers nitong Sabado para bumagsak sa ikawalong puwesto na may barahang 3-8. (Marivic Awitan)