Tumulak sa Japan si Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, kung saan hihimukin niya ang mga negosyante doon na mamuhunan sa bansa.

“With Japan as the Philippines’ top trading partner, I shall seek the sustainment and further enhancement of our important economic ties. I look forward to meeting business leaders in Japan. I will tell them clearly that the Philippines is open for business,” ayon sa Pangulo.

Si Duterte ay tiwalang naiintindihan ng Japan ang kanyang foreign policy. “It’s just a question of policy that is truly Filipino,” dagdag pa nito.

Sa Japan, inaasahang makakapulong ng Pangulo si Prime Minister Shinzo Abe.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Si Abe ang nag-imbita sa Pangulo nang magkita ang dalawa sa sidelines ng ASEAN meeting sa Laos noong Setyembre.

Samantala interesado rin umano si Abe na mapakinggan ang paliwanag ni Duterte hinggil sa pagpihit ng huli sa foreign policy.

Bukod sa negosyo at foreign policy, pag-uusapan din ng dalawang lider ang politico-social at defense cooperation, partikular na ang maritime security. (Elena L. Aben)