Inatasan ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang Manila Police District (MPD) na ihanda na ang kanilang security plans para sa All Saints’ Day at All Souls’ Day sa Nobyembre 1 at 2.

Ayon sa alkalde, kahit walang banta sa seguridad sa lungsod ay hindi pa rin dapat magpabaya ang MPD upang masiguro ang tahimik at maayos na pag-obserba ng Undas.

Inihayag naman ni MPD director Senior Supt. Joel Coronel na ilalagay sa full alert status ang Maynila simula 12:01 ng umaga ng Oktubre 29. May 2,450 pulis ang ipapakalat sa mga sementeryo sa lungsod -- na kinabibilangan ng Manila North Cemetery, La Loma Catholic Cemetery, Manila Chinese Cemetery, at Manila South Cemetery, na nasa Makati City ngunit parte pa rin ng teritoryo ng Maynila.

At dahil dineklarang holiday ang Oktubre 31, inaasahan nang mas maraming tao ang pupunta sa mga sementeryo ngayong taon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Our challenge, I think, is the number of people or the volume of people that will be visiting the cemeteries,” ni Coronel. (Mary Ann Santiago)