Isinulong ni Senator Antonio Trillanes IV ang imbestigasyon sa partisipasyon ng mga pulis sa extrajudicial killings (EJKs), kasama rito ang mga awtoridad na sangkot sa pamamaslang kay anti-crime advocate Zenaida Luz sa lalawigan ng Mindoro.

Sa kanyang resolusyon, sinabi ni Trillanes na umabot na sa 3,844 ang napatay, kung saan 2,294 dito ay kagagawan ng mga vigilante, habang ang 1550 ay sa police operations.

“The figure is very alarming especially since members of government forces are allegedly being used to perpetuate this kind of killings,” ani Trillanes.

Sa kaso ni Luz, regional chairperson ng Citizen Crime Watch (CCW), napatay ito sa harap ng kanyang bahay sa Gloria, Oriental Mindoro, ng dalawang kalalakihang lulan ng motorsiklo.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Nang masakote, ang mga suspek ay nakilalang sina Senior Inspector Magdalino G. Pimentel Jr., at Inspector Markson S. Almeranez.

Sinabi ni Trillanes na dapat maimbestigahan ang pulisya sa EJKs, lalo na’t ang kanilang mandato ay ‘to serve and protect’. (Leonel M. Abasola)