jessy-at-luis-copy-copy

PARA kay Luis Manzano, ang pagsasama nila ni Jessy Mendiola sa katatapos na Star Magic Ball 2016 nu’ng Sabado ay sapat na kasagutan na sa mga nagtatanong kung may relasyon na ba sila.

For the first time kasi ay magkasamang humarap sa publiko sina Jessy at Luis na noon pa pinagdudahan na may itinatagong relasyon. Sabay na dumating sa event ang dalawa dahil si Luis ang escort ni Jessy.

“Well, Tito Jims our smiles speak for ourselves,” sabi ni Luis nang makausap namin sa Star Awards for Television sa Novotel last Sunday night naman.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Banggit pa ni Luis, napakasaya raw niya ngayon hindi lang dahil sa lalong gumagandang takbo ng showbiz career niya kundi pati na rin sa personal life niya.

“Everyone, maiintindihan ninyo kung gaano naman kami ka-happy. I mean, ‘yung interview niya sa Tonight With Abunda at pati na rin, I think it gives smiles on our faces, and for me that’s the most important thing.”

Ipinagmamalaki rin ni Luis ang maayos na takbo ng career ni Jessy na sunud-sunod din ang mg proyekto,.

“We’re jolly, we are ecstatic about everything that we have between us right now,” sambit ni Mazano.

Kilalang malihim si Luis pagdating sa love life niya. Naniniwala ang TV host na mas higit na magiging stable ang relasyon kung mananatili itong pribado sa lahat ng detalye.

“Kumbaga naman, kahit nasa showbiz tayo o hindi , dapat meron pa rin tayong lihim sa sarili,” pahayag pa ng apat na beses tumanggap ng award nang gabing iyon from PMPC Star Award for TV.

Si Luis ang tinanghal na Best Game Show Host, Best Talent Show Host, Best Male TV host, at siya rin ang nag-uwi ng Star of the Night award nang gabing iyon. (Jimi Escala)