Hindi pinuputol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang diplomatic ties ng Pilipinas sa United States (US).

Ito ang paglilinaw na ginawa ni Duterte hinggil sa pakikipaghiwalay sa US na kanyang inanunsyo sa apat na araw niyang pagbisita sa Beijing, China.

Ayon kay Duterte, hindi pagpuputol sa ugnayan ng US at Pilipinas ang kanyang sinabi, kundi paghihiwalay lang sa ‘foreign policy’.

“You have to take my words in the context of what I’ve been saying all along. It’s not severance of ties. When you say ‘severance of ties’, you cut the diplomatic ties. I cannot do that. Why? It’s to the best interest of my country that we maintain that relationship,” ayon kay Duterte sa isang press conference, pagdating nito sa bansa.

National

QCPD, naghain ng patong-patong na reklamo laban kay VP Sara

Sinabi ng Pangulo na hindi maaaring maputol ang ugnayan ng dalawang bansa, lalo na’t maraming Filipino sa US---ang iba ay Filipino-Americans. “The Filipinos will kill me,” ayon kay Duterte, kaya’t hindi umano niya mapuputol ang relasyon ng dalawang bansa.

“That’s what I meant actually... Sever is to cut. Separate is just to chart another way of doing it,” paliwanag pa ng Pangulo. “In the past and until I became President, we always follow what the United States would give the cue.

Pasunod-sunod tayo. ‘Di ako magsunod,” dagdag pa nito.

Nitong Biyernes, sinabi ng US officials na hihingiin nila ang paglilinaw ng Pilipinas sa sinasabing ‘separation’ ng Pangulo. Ito ay sapagkat nagdudulot umano ng kalituhan o ‘unnecessary uncertainty’ ang pahayag ni Duterte.

Sa kabila nito, sinabi ng US na patuloy nilang rerespetuhin ang alyansa at commitment nito sa Pilipinas.

(Elena L. Aben)