Mga Laro ngayon

(Smart-Araneta Coliseum)

2n.h. -- FEU vs UP

4 n.h. -- UE vs Adamson

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Falcons, krusyal ang katayuan sa UAAP tilt.

Kung hindi maipapagaspas nang tama ang kanilang pakpak, tuluyang malalagay sa alanganin ang kampanya ng Adamson Falcons sa Final Four.

Laban sa kulelat na University of the East Warriors (2-7), tatangkain ng Falcons na tuldukan ang two-game losing skid at mapatatag ang kampanya sa minimithing Final Four slot.

Nakatakda ang pagtutuos ganap na 4:00 ng hapon sa Smart-Araneta Coliseum.

Tangan ang 4-5 karta, nakikipaglaban para saNo.4 spot sa cross-over semifinals ang Falcons kontra sa National University Bulldogs (4-6) . Nasa ikatlong puwesto ang Ateneo Blue Eagles na may 5-4 karta.

“We need to arrest our two-game losing skid. Malaki pa ang tsansa, kailangan lang naming magtiyaga,” pahayag ni Adamson coach Franz Pumaren.

Tatangkain naman ng defending champion Far Eastern University na manatili sa larawang binubuo para sa isa pang kampeonato sa pakikipagtuos sa delikado na ring University of the Philippines sa unang laro sa 2:00 ng hapon.

Nagsosolo sa ikalawang posisyon ang Tamaraws (7-2) sa likod ng nangungunang La Salle Green Archers (10-0).

Sasabak ang Tams kumpiyansa sa impresibong six-game winning streak.

Nakikipaghilahan sa kamatayan ng kampanya ang UE (2-7).

Sisikapin ng Maroons na makabawi sa 51-49 na pagkatalo sa Tamaraws noong first round ng eliminations.

Muli sasandalan ng Maroons sa matatag na performance ng kanilang graduating team captain na si Jett Manuel at Paul Desiderio na kapwa nangunguna sa kanilang opensa ngayong taon.

Aasahan naman ng Tamaraws sina Monbert Arong, Wendell Comboy, Jojo Trinidad, at Raymar Jose na siyang namuno sa kanilang huling anim na panalo.

Pipilitin namang tuldukan ng Falcons ang kanilang nalasap na dalawang sunod na pagkabigo sa pagharap nila sa Red Warriors na nakuha ang kanilang unang panalo ngayong season sa iskor na 64-57 sa nakaraang salpukan sa first round.