andre-and-mikee-copy

SIMULA ngayong Linggo (Oktubre 23), itatampok sa ikalawang istorya ng first-ever interactive rom-com series ng GMA Network na Usapang Real Love ang first team up nina Andre Paras at Mikee Quintos na pinamagatang “Perfect Fit.”

Isa itong modern day Cinderella romance na umiikot sa buhay ni Ella, na ginagampaman ni Mikee, isang cellphone repair girl sa isang tiangge na ang tanging nais lamang ay alagaan ang kanyang ama. Mababago ang buhay niya nang makilala niya si Cindy, na kamukha niya at magpapagawa sa kanya ng cellphone.

Makikita ni Ella sa dating app na ginagamit ni Cindy ang kanyang crush na si Eugene (Andre), isang account executive sa isang shoe company. Sa kagustuhang makilala siya nito, matututong manamit at mag-ayos si Ella na parang si Cindy.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Mababago ang lahat nang magsimula nang magkagusto sina Eugene at Ella sa isa’t isa. Kaabang-abang kung ano ang mangyayari kapag nalaman ni Eugene na hindi talaga si Cindy si Ella. Magkaroon pa kaya sila ng happy ever after?

Maging perfect fit pa kaya sila sa isa’t isa?

Makakasama nina Andre at Mikee sa episode na ito sina Jay Arcilla, Arra San Agustin, Bern Josep Persia, William Lorenzo at Mickey Ferriols.

Mula sa direksiyon ni Joron Monroy, abangan ang mala-fairytale na kwento nina Ella at Eugene sa Usapang Real Love sa Linggo, pagkatapos ng GMA Blockbusters.