Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa signal No.1 ang bagyo kapag ang bilis ng hangin ay nasa 30-60 kph na aasahan sa loob ng 36 oras.

Hindi pa gaano malakas ang bagyong nasa signal No. 1 at maaaring makapagdulot ng bahagyang pinsala lamang sa mga bahay na gawa sa light materials. Maaari rin itong makasira ng mga sanga ng puno.

***

Eleksyon

Kaya raw natalo: Mga nanira kay Bong Revilla sa social media, lagot!

Signal No. 2 naman kapag nasa 61-120 kph ang bilis ng hangin na maaaring asahan sa loob ng 24 oras.

Posible rin mangyari ang storm surge sa mga coastal area. Light to moderate ang pinsala na maaaring maidulot nito at maaaring makapagtanggal ng mga bubong ng bahay at ang mga hindi matibay na itinayong constructed sign at billboard.

Maaari rin ito magtangay ng mga puno ng saging at mangga, maapektuhan ang mga taniman ng mais at mga palayan.

***

Signal No. 3, inaasahan ang hangin na may bilis na 121-170 kph sa loob ng 18 oras. Matindi ang pinsala na maidudulot nito lalo na sa mga lumang gusali at tirahan na gawa sa light materials.

Maaari rin ito maghasik ng bagsik sa industriya at agrikultura. Ang taglay na lakas na ito ay maaaring makapagtangay ng malalaking puno tulad ng acacia at manga, pati na rin ang puno ng mga saging.

Signal No. 4 kung ang bilis ng hangin nito ay 171-220 kph na maaaring asahan sa loob ng 12 oras. Matindi at mabagsik ang pinsalang maidudulot nito. 75 porsiyento na mga bahay na gawa sa light materials ang maaaring sirain nito at tangayin ang mga bubong ng mga bahay at magdulot ng pagkasira ng mga pader. Tuluyan ding tatangayin nito ang mga billboard sa mga lansangan.

Sa taglay na lakas, pipinsalain nito ang buong plantasyon ng saging, buko, palayan at mais pati ang pagtangay sa mga puno ng mangga at iba pang malalaking puno.

Signal No. 5 kapag ang taglay na hangin nito ay may bilis na 220 kph sa loob ng 12 oras. Maaaring magkaroon ng storm surge na higit tatlong metro ang taas sa mga baybaying lugar.

Malawak at mabagsik ang pinsalang maiiwan nito. Matinding pinsala sa mga bahay na gawa sa light materials pati na rin sa mga industrial buildings. Magdudulot din ng pagkasira sa mga serbisyo sa kuryente at komunikasyon. Inaasahan na sa taglay na lakas nito, masisira ang lahat ng mga billboard o road sign sa lansangan.