Dapat panindigan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbisita niya sa China ang karapatan ng Pilipinas sa Scarborough Shoal.

Sinabi ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, na bukod sa pagpapalakas sa kalakalan ng dalawang bansa, nararapat ring isulong ni Duterte ang karapatan ng mga Pinoy na makapangisda sa Scarborough Shoal, na malinaw na sakop ng teritoryo ng Pilipinas.

“Sa pagpunta niya (Duterte) sa China ito ay maganda, ito’y pakikipag – usap at siyempre sa pakikipag–usap ito ay tungkol sa pangangalakal at pagpapalitan ng kaalaman at ng kalakal. Pero dapat nating tandaan, tanggapin at ipaglaban ang ating kasarinlan, ang ating kalupaan. Sa mga bagay na yun ay hindi na dapat dun sa negotiation bagkus ay implementation na ibinigay sa atin nang artbitration court na atin ang Scarborough Shoal na ipinaglalaban natin,” ani Santos, sa panayam ng Radio Veritas. (Mary Ann Santiago)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists