WASHINGTON (AP) — “Bittersweet” ang word of the night noong Martes sa 13th at huling state dinner ni President Barack Obama bago bumaba sa puwesto sa Enero. Ipinagdiwang sa soiree ang “enduring alliance” ng U.S. at Italy.

“We saved the best for last,’’ sabi ni Obama nang salubungin si Italian Prime Minister Matteo Renzi at asawa nitong si Agnese Landini, sa White House.

Imbitado ang mga kilalang tao sa lipunan na may dugong Italian – si House Minority Leader Nancy Pelosi, ang highest-ranking Italian-American sa U.S. politics; dating race car driver Mario Andretti, fashion designer Giorgio Armani, actor John Turturro, New York Gov. Andrew Cuomo, at actor-director Roberto Benigni.

Sa kabuuan ng kanyang termino, si Obama ay naghanda ng 13 state dinners, lamang ng dalawa kaysa kay President George W. Bush, ngunit mas kakaunti kaysa kay President Bill Clinton, na nagdaos ng 28 dinners sa dalawang termino nito sa White House.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture