Siyam na kalsada sa Cordillera Administrative Region (CAR), Regions 2 at 3 ang hindi pa rin madaanan makaraang umagos sa likurang kalsada at tulay ang gumuhong lupa, bukod pa sa mga bumagsak na bato, puno at poste at baha na dulot pa rin ng bagyong ‘Karen’.

Sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Bureau of Maintenance, sarado ang mga bahagi ng kalsada sa Cordillera: ang Kiangan-Tinoc-Buguias Boundery Road sa K0332 + 970 - K0334 + 200; Numbukul , Kiangan, K0334 + 400 - K0360 + 000; at Banaue-Mayoyao-Alfonso Lista-Isabela Boundary Road, KO380 + 080, gayundin ang Poblacion, Mapawoy, Mayoyao, sa Ifugao; at Balbalan-Pinukpuk Road, K0512 + 400, Taga Section at Lubuangan-Batong Buhay Road, K0467 + 000, Barangay Ag-agama sa Kalinga.

Sa Region 2, dalawang kalsada ang isinara dahil sa pagguho ng bato at pagbaha: ang Basco-Mahatao-Ivana-Uyugan-Imnajbu Road, KM 006+000 - KM 010+000 sa Batanes; at Cabagan-Sta. Maria overflow bridge sa Sta. Maria, Isabela.

Sarado rin sa trapiko ang mga kalsada sa Region 3 na Dinadiawan-Madela Road, K0305 + 000, K0307 + 000, at Nueva Ecija Aurora Rd, K0171 + -322 sa K0193 + 000 sa Aurora, Nueva Ecija-Aurora Road sa KM 161+ 547, at Labi Bridge sa Barangay Labi, Bongabon, Nueva Ecija.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Nabatid na simula nitong Oktubre 19 ay umabot na sa P246.9 milyon ang pinsala ng bagyo sa mga kalsada, tulay at flood control structure; P48.7 milyon sa Cordillera, P178.8 milyon sa Region 2, P15 milyon sa Region 3, at P4.4 milyon sa Region 5. (Mina Navarro)