LONDON (AP) — Hindi na makalalaro sa kabuuan ng kasalukuyang season si Nick Kyrgios.

Pinatawan ng banned at multang US$25,000 ang pasaway na Australian tennis star nitong Lunes (Martes sa Manila) dahil sa kusang pagpatalo sa laro at pang-insulto sa mga tagahanga.

Ayon sa ATP, pinatawan ng kaparusahan si Kyrgios bunsod ng “conduct contrary to the integrity of the game” matapos ang imbestigasyon sa kanyang inasal sa second-round ng Shanghai Masters kung saan natalo siya kay German qualifier Mischa Zverev.

Hindi kinakitaan ng interest na lumaro ng tama si Kyrgios sa 6-3, 6-1 kabiguan, tampok ang sadyang mahinang tira sa service play.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nauna nang pinagmulta ang 21-anyos Australian ng US$16,500 ng organizer ng Shanghai Masters.

Tatagal hanggang Enero 15 ang suspension kay kyrgios.

“I regret that my year is ending this way and that I will not have a chance to continue chasing the ATP finals,” paghinge ng paumanhin ni Kyrgios.

“This was an important goal for me. I do understand and respect the decision by the ATP and I will use this time off to improve on and off the court. I am truly sorry and look forward to returning in 2017.”