Nagpahayag ng pangamba si opposition House leader, Albay Rep. Edcel Lagman sa Charter change (Cha-cha) matapos na ipanukala ang pag-upo ni Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas bilang chairman ng House Committee on Constitutional Amendments na babalangkas sa mga panukalang amiyenda sa Saligang Batas.

“I think that is the purpose, their intention is to railroad their Cha-cha proposal,” ayon kay Lagman, kasabay ng pagtapik sa committee chairmen at sinabing pwedeng mangyari sa kanila ang sinapit ni Southern Leyte Rep. Roger Mercado, papalitan ni Fariñas sa pwesto, kapag hindi nila binilisan ang agenda ng supermajority sa Kamara.

“It is a sort of Damocles sword hanging over their heads,” ayon kay Lagman.

Matapos ilutang na baka i-railroad o madaliin ang Cha-cha, binigyang diin ni Lagman na dapat magkaroon ng matinding debate sa 29 Cha-cha bills at resolutions.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ngayong araw, muling bubuksan ng House Committee on Constitutional Amendments ang pagdinig nito sa mga panukalang amiyenda. (Charissa M. Luci)