‘Wag mag-alala at hindi isusuko ng Pangulo ang teritoryo sa dagat.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay Jr. na igigiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karapatan ng Pilipinas sa exclusive economic zone nito sa West Philippine Sea (South China Sea) habang pinapanatili ang mabuting relasyon sa China.

“Promoting the paramount welfare of our people through better and enduring friendships is the best way to ensure the peaceful settlement of our disputes no matter how long it might take,” sabi ni Yasay sa kanyang Facebook account at sa official website ng DFA kamakalawa.

Kinondena ng kalihim ang mga kritiko na nag-uudyok sa Pangulo na ipursige ang claims ng Pilipinas, na posibleng magpalala lamang sa sitwasyon.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Binanggit ni Yasay ang ‘pang-uurot at hindi magandang taktika’ ng nakaraang administrasyong Aquino sa naturang iringan kaya tuluyan umanong walang nagawa ang Pilipinas sa panghihimasok ng China.

Nanawagan si Yasay sa mga Pilipino na ipagdasal ang tagumpay ng biyahe ng Pangulo sa China simula ngayong araw upang tahimik na maresolba ang iringan sa karagatan. (Bella Gamotea)